Konti Man Lang

Nagdidilim na ba'ng langit natin
Ba't parang may ulang parating
Dumadalas na ang unos sa 'ting pagsasama
Mayro'n ba akong nagawa

Mayro'n ba akong nasabi na masama
Nagsasara na ba'ng ulap natin
Ba't parang 'di ka na sinlambing
Dumadalas na ang iyong biglang pagtahimik
At tumabang na ang 'yong halik
Matutupad ba'ng pangako mong pagbalik

At kung mayro'n ka pang hinahanap na hindi ko mabigay
Hingin mo lang hingin mo lang
At kung mayro'n naman akong hilingin sa 'yo
Bigay mo sana bigay mo sana

Konti man lamang kalinga
Konti man lamang karinyo at tiwala
At wala na 'kong hihingin pa
Konti man lamang kalinga
Konting paglingap at konting paghanga
At di ko na aabutin pa ang tala ng laya
Pag 'di ka kasama kalayaa'y wala

Nagsisikip na ba ng mundo natin
Ba't lagi'ng paghingang malalim
Dumadalas na ang ating biglang pagsasawa
Nais mo na bang lumaya
Kung 'di ka malaya sa akin
Dapat na nga

At kung mayro'n ka pang hinahanap na hindi ko mabigay
Hingin mo lang hingin mo lang
At kung mayro'n naman akong hilingin sa 'yo
Bigay mo sana bigay mo sana
Konti man lamang kalinga
Konti man lamang karinyo at tiwala
At wala na 'kong hihingin pa

Konti man lamang kalinga
Konting paglingap at konting paghanga
At di ko na aabutin pa ang tala ng laya
Pag 'di ka kasama kalayaa'y wala
Mahal pa rin kita
Kaya't di sana magwakas
Matulog muna tayo
At magmahalan bukas

Most popular songs of Jimmy Bondoc

Other artists of Pinoy pop