Saranggola

Oh woah
Kahit saan pa 'ko dumaan
Palipad o 'di kaya ay pagapang
Bundok o tinik ma'y lalampasan
Sa akin walang makakahadlang

Tuloy-tuloy lang kahit mahirapan
'Di susuko wala ng hintuan
Tuloy-tuloy lang 'di magsasawang
Abutin ang mga pangarap

Ito ang realidad kahit na ibaliktad
Kailangang magbilad sa araw ay mag inat (magbilad)
Magbatak at magbanat ng buto (magbatak ng buto)
Para balang araw ay mas lalo pang tumibay ang ating bungo (mas lalo pang tumibay ang ating bungo)

Sa pakikipagbuno meron bang patutunguan (meron bang patutunguan)
Wala ding mananalo sa inyong pagtatalunan (pagtatalunan)
Madaming katanungan wala pang kasagutan (kasagutan)
Kapag ka naglabas ka lalo kang pagtataguan (pagtataguan)

Pagod na rin kasi akong maging panggatong sa ilan
Panahon na rin upang aking sulo ay silaban (sulo ay silaban)
Daming ahas nakaharang sa dilim na dadaanan
Patay ka talaga kung meron kang matapakan

Ilaw mo ay paganahin sandata ay hasain
Sikapin ng maiging aklat mo ay palawakin
Ginto ay 'wag sayangin oras iyong sulitin
Sa mga bagay na hindi mo na pwedeng ulitin

Kahit saan pa 'ko dumaan (kahit sa'n)
Palipad o 'di kaya ay pagapang (kahit pa)
Bundok o tinik ma'y lalampasan (oh)
Sa akin walang makakahadlang (oh)

Tuloy-tuloy lang kahit mahirapan
Hindi susuko wala ng hintuan (oh)
Tuloy-tuloy lang 'di magsasawang (di na)
Abutin ang mga pangarap (pangarap)

Sa'king sarili ay palagi na nagtatanong
Kung masarap ba mag-tuxedo 'di kaya barong
Sawang-sawa na 'ko sa iisang maong (woah)
Na galing pa sa pamanang pinagputulan lang ng pantalon (pantalon)

Ngalay ng sumawsaw sa puro init na bagong(hm)
Minsan gusto kong maranasan anong lasa ng lechon
Papasok ng eskwela baon lang isang mamon
At tubig na nakalagay lang sa maliit na galon (woah)

Sa aming barong-barong nang mapasalamin
Sinabi sa sarili ano bang dapat gawin(woah)
Para mapunta lang sa nais marating
Kahit ga'no kalayo t'ya-t'yagain ko na lakbayin

Sawa na kong matalo ngayon ay nagising (hm)
Sinabi sa sarili ko gusto ko ako rin
Na balang araw pangarap ko aking tuparin
Nang maranasan ko pakiramdam ng tingalain (woah)

Kahit saan pa 'ko dumaan (dumaan)
Palipad o 'di kaya ay pagapang (pagapang)
Bundok o tinik ma'y lalampasan(oh)
Sa akin walang makakahadlang

Tuloy-tuloy lang kahit mahirapan (kahit mahirapan)
Hindi susuko wala ng hintuan (wala)
Tuloy-tuloy lang 'di magsasawang (di na)
Abutin ang mga pangarap

Para maka-upo sa opisinang presko
Oh 'di kaya'y magkaron ng ranggong sarhento
Kailangang pagdaanan ang mga proseso
Walang mahirap-hirap sa dagang gusto ng keso

Wala ng kesyo tunaw na nga yung yelo
Lunukin ang aral at tapos na recess mo
Wala ng pero-pero patunog na nga 'yung bell
Sige lang sa pag abante na parang nawalan ng preno

Sa larong ito ako ang taya (ako ang taya)
Pagod man ako 'di pwedeng wala akong gagawin (di pwedeng wal)
Pagkat malaabong mangyaring umikot ang oras ng pakaliwa (ng pakaliwa)
Kaya ko ngayon ay nasa gitna ng daan at ako nga'y papunta na (nasa gitna)
Sa napakalayong ibayo patakbong kabayo nais kasing mapaaga (kasing mapaaga)

Daong sa minimithi kong destinasyon (destinasyon)
'Di natalo sa mga binuo kong desisyon (binuo kong desisyon)
Mga bakasyon na tinapos at nang sa gayon (at nang sa gayon)
Ay masimulan ko na't tanawin ambisyon ko ngayon

Kahit saan pa 'ko dumaan(woah)
Palipad o 'di kaya ay pagapang
Bundok o tinik ma'y lalampasan
Sa akin walang makakahadlang

Tuloy-tuloy lang kahit mahirapan
Hindi susuko wala ng hintuan
Tuloy-tuloy lang 'di magsasawang
Abutin ang mga pangarap

Kahit saan pa 'ko dumaan (kahit sa'n)
Palipad o 'di kaya ay pagapang (kahit pa)
Bundok o tinik ma'y lalampasan (oh)
Sa akin walang makakahadlang

Tuloy-tuloy lang kahit mahirapan (tuloy-tuloy lang)
Hindi susuko wala ng hintuan (wala ng hintuan)
Tuloy-tuloy lang 'di magsasawang (di na)
Abutin ang mga pangarap (pangarap)

Most popular songs of Juan Caoile

Other artists of Asiatic music