Tugmang Preso

Marlon Peroramas, Neil “Yung Bawal” Raymundo

LOONIE:
Bagama’t makulay ang mga pabalat
Alam mong mahusay ang pagkakalahad
Mga tunay na ganap isinulat ng pa-rap
Kaya wag ka nang magulat kung magtutugma lahat
Sapagkat ito'y galing sa memorya
Isang napakaimportante na istorya
Ito ang aking personal na testimonya
Pangontra sa mga ignorante na teorya
Ito ay tunay na buhay wala kong dahilan
Para magsinungaling at mga detalye palitan
Ito ang kwento kung pano kami tinaniman
Ng marijuana ng mga parak na mukhang Taliban
Bandang alas otso ng gabi sa Pilipinas
Sa isang gusali doon sa may Ortigas
Walong oras bago ang rehas ay mahimas
Kasama ko si “Ron Henley ng Stick Figgas”
May interview kami sa radyo nung gabi na yon
Tungkol sa marijuana at sa legalisasyon
Pagkatapos namin umalis agad sa istasyon
Dahil meron pa akong pupuntahang isang okasyon
Don sa Poblacion, birthday daw ni Shaun
Yon lang ang alam ko na detalye pa noon
Medyo masama ang panahon umaambon
Kaya tinext ko na si utol “Pumunta ka na ngayon”
Humiwalay na si Ron, sumakay ng taxi
“Dahil bukas may recording pa kami ni Klumcee”
Utol kong si Idyll sinundo ako sa lobby
Gamit ang aking Subaru na tunog Ferrari
“Saan tayo pupunta? Private daw na party?”
“Yung reception ay isang hotel don sa Makati”
Bata na may cancer, kumontak kanyang mommy
Idol ako ng anak at rap ang kayang hobby
Pangalan daw ay Shaun walang pake sa money
Kasi handang magbayad kahit magkano si daddy
Lumambot ang aking puso nung una kong narinig
Naawa ako kay Shaun mga luha nangilid
Nung nalaman kong lagay na daw ng bata tagilid
“Di nyo kelangan magbayad pupunta ko sa event”
Rekta sa Makati kahit trapik ay kainep (hayyy)
Kasama ko si Rude at si Ivan, ang sikep!
At si kuya Albert yung driver kong mabait
Atsaka si Idyll, aking manager at kapatid
Na merong Thalassemia isang kakaibang sakit
Kailangan nyang laging salinan ng dugo na pantawid
At dahil malapit lang sa hotel yung Makati Med
Sumabay na lang sya samin para mas makatipid
(“Sabay ka na para isang kotse nalang”)
Yung katabi ko sa backseat si Rudeboy at si Ivan
Documentation, security, at hypeman
Bale siksikan kami sa aking tsikot (wag malikot!)
Tatlo kaming mga lalake sa likod
Pagdating sa Makati, sakto lang yung timing
Nagtext na rin yung mommy at nagsabing
Nagstart na daw yung party, sa basement daw yung parking
“Salamat sa pagpunta, pasok lang kayo darling”
Pagbaba ng kotse hinanap ko yung main floor
May nagpalitrato sa tabi ng elevator
“Idol pwede favor? Baka pwede magpapicture kasi idol na idol ka talaga ng anak ko na grade 4”
Nagselfie kaming dalawa sa kanyang razor
Tapos tinutok sa’kin yung baril ni terminator (hasta la vista)
Pero bilang narrator, lagyan natin ng flavor
Para di masyadong halata yung trauma ko na major (what the fuck?!)
Nakakagulantang
Sangkatutak na ninja cops sa amin ang tumambang
Parang Wu-Tang Clan
Lampas sampu lumabas sa van
“Pasensya na idol, napagutusan lang”
Humakbang paatras at wala nang nagawa
Tinutukan ng Beretta sa mukha, pinadapa
Pinosasan, pilit pinapatingin sa baba
Mga bulsa namin isa-isa nilang kinapa
Akala ko kidnap for ransom ang sadya
O kaya baka prank lang ‘to na malala
Lang hiya!
(“Dapa, dapa, dapa!
Kamay sa likod, tingin sa baba!
Dapa sabi eh!”)
Nakadapa kami habang napapanood
Ng aking utol na kasalukuyang nakabukod
May tinabi silang kahon
Malakas kanyang kutob
Na meron ‘tong mga lamang kontrabando sa loob
Tsaka na lang silang nagpakilalang mga parak
Nung isa na sa mga kasama nila nasapak
Walang uniporme at nakamaskara lang lahat
Walang “Mirandang” binasa, basta-basta lang agad (my god!)
Sikat na hotel at ang nakakapagtaka'y
Maraming CCTV lahat nakapatay
Wala man lang body cam na nakalagay
Kahit kuha man lang ng cellphone gamit kamay
Sabi daw ng pulisya
Sakin daw nakumpiska
Pero di makumpirma
Kasi walang kahit ni isang saksi na pumirma
Walang video ng palitan magmula nung umpisa
Kung under surveillance pala, dapat may footage ka
Kung under surveillance pala, dapat may footage na
Kung normal na tao nagvaviral pag nahuli sya
Paano na lang kaya kung si Loonie pa?
Nung nasagot ko yung PDEA at aking kinondena
Mga ulo nila biglang nagkaron ng bumbilya
Para mapromote sa pwesto ako ang pinuntirya
Ng mga ninja cops na gustong magbida-bida (diba? diba?)
Bigla silang nakaisip ng ideya
Kasi napanood nila yung live ko sa PDEA
Nung binan nika yung kantang Amatz dahil sa tema
Pero Maria Hiwaga ni Sassa walang problema
Aba punyeta! Talamak na ang taniman
Buybust daw kaso bakit parang madalian?
Di ba dapat pinaghahandaan yan at kalimitan
Minamanmanan ng malayuan, malapitan?
May mga camera na nakatago sa pagitan?
Kaya medyo weirdo kasi walang video ng palitan
Akala ko ba buybust to na malakihan?
Nakakapagtaka lang kaibigan
Gusto mong maintindihan at mabatid?
Gamitin mo lang ang sentido kumon kapatid
Para sa isang daang libo, magpapakaastig?
Kayang-kaya ko yan kitain ng triple isang gig
At kung pusher man ako ng sinasabi nilang weed
Bakit naman ako pa mismo maghahatid?
Ni hindi nga ako lumalabas ng bahay tsaka
Bi-hira mong makita sa kalsada tumawid
At bakit ako magbebenta sa di ko kakilala
Kung sa eksena ko ay maraming nagmamarijuana?
Bakit ko papahirapan ang sarili ko habang
Sinusugal ang karerang matagal kong pinagsikapan?
Bakit isasama ko pa yung kapatid kong may karamdaman
At cameraman para magvlog ng kaganapan?
Walang saysay na mga paratang!
Pawang haka-haka lamang para pangalan ko ay yurakan
Alam kong meron akong mga paa na natapakan
Ngunit di ko ‘yon sinasadya ako ay tao lamang
Pinaglaban lang ang paglikha nang merong kalayaan
At kung yun ay masama, yun lang ang aking kasalanan

Most popular songs of LOONIE

Other artists of Asian hip hop