Sa Duyan Ng Pag-Ibig
Sa duyan ng iyong pag-ibig
Doon lamang mahihimbing
Ang puso kong nalunod sa dilim
Dahil sa huwad na pag-ibig
Sa duyan ng iyong paglingap
Doon lamang mahihimlay
Ang puso kong naanod ng ulan
Palayo sayo o aking buhay
Kay rami ngang kandungang
Nagbigay ng kasiyahan
Ngunit dulot na aliw ay palara lang
Walang hanggang ligaya
At walang hanggang pag-asa
Sa iyo ko lang nakita lagi kong alaala
Sa duyan ng iyong pag-ibig
Doon ako matatahimik
Ang puso ko ngayo'y nananabik
Na magkaisa puso't kaluluwa
Nating dalawa sinta
Kay rami ngang kandungang
Nagbigay ng kasiyahan
Ngunit dulot na aliw ay palara lang (palara lang)
Walang hanggang ligaya (ha)
At walang hanggang pag-asa (ha)
Sa iyo ko lang nakita lagi kong alaala
Sa duyan ng iyong pag-ibig (sa duyan sa duyan ng iyong pag-ibig)
Doon ako matatahimik
Ang puso ko ngayo'y nananabik
Na magkaisa puso't kaluluwa (na magkaisa puso't kaluluwa)
Nating dalawa ah (nating dalawa)
Sa duyan mo sinta (sa duyan mo sinta oh)