Sa Ganitong Panahon Din

Joey Gianan Vargas, Nikko Villanueva

Tinanggap ng tao’ng yakap ng takot sa kamatayan
kaya ginugol ang oras sa sayang panandalian.
Sa kanilang kaisipan, ‘tong buhay ay isa lamang:
kalauna’y mapaparam, lilipas, mamamaalam.

Bulag sa katotohanan, kadiliman ang tiningnan
kung sa’n mata’y hinayaan na masanay, na manahan.
‘Di na kilala ng tinig mga awit ng papuri;
bawat himig ay hinagpis; bawat hinga’y hibik, hikbi.

Sa ganitong panahon din, isang gabing makulimlim,
sa Silangan ay sumilay itong tala sa Bethlehem.
Sa ganitong panahon din, isang gabing nahihimbing,
lumiwanag itong langit, mga anghel ay umawit.

Puso ay panatilihing naghihintay sa pagdating,
sa gitna ng paninimdim, mag-abang, alalahanin:
tala’y mas nagliliwanag kapag gabi’y mas malalim;
ang Mesiyas ay dumating nang mundo’y lukob ng dilim

Most popular songs of Philippine Madrigal Singers

Other artists of Religious