Batugan

Ito ay kanta na mensahe at sana'y mamulat
Silang mga tamad na hindi marunong mag-unat
Magbanat ng buto bagkus ay nakaupo
At kapalaran ay inaasa lamang sa lotto
Marami ng pilipino ang dumadaing sa hirap
Ang pangarap daw ay di nila mahanap
Paano mahahanap kung 'di marunong magsikap
At sa telebisyon ay 'lagi kang nakatapat
Para kang si Juan tamad nag-aantay na malaglag
Ang bunga ng bayabas habang nakahiga sa lapag
Subukan mo na akyatin ang puno upang malasap
Pag iyong pinaghirapan ay tunay na masarap
Di naman sa nakikialam ako sa buhay mo
Baka sakali lang na baka pwede pang magbago
Tumayo ka dyan sa kama at subukan mong maligo
Umalis ka dyan sa kanto
Maghanap ka ng trabaho

Bakit mo pinapairal ang iyong katamaran
Nakaupo ka d'yan nakatambay sa lansangan
Damang dama na ng karamihan ang kahirapan
Ngunit bakit ba ganyan
Marami sa atin ay
Batugan batugan batugan batugan batugan
Batugan batugan batugan batugan

Bumibigat ang katawan at parang gusto pang matulog
Pagkagising ay kakain ni hindi pa nagmumumog
Anak hugasan ang pinggan pagtapos mong kumain
'Yan ang utos ng magulang mo ayaw mong gawin
Ba't mo nga ba gagawin kung tinatamad ka
At ang iyong mga ka-tropa inaantay ka na
Ambagan na ng bente pambili ng isang bote
Kahit anong alak makatagay man lang pare
Ang sarap naman ng buhay ng katulad mo
Hanggang d'yan na lamang ba
Wala bang balak magtrabaho
Tambay dito tambay don
Bakit ba laging ganon
Isa 'yan sa mga lumalaro sa utak kong tanong
May sasabihin lang ako at pakinggan mabuti
Kung tatamaan ka kaibigan ko pasintabi
Batugan o tamad
'Yan ba ang iyong ugali
Papaalala ko lang
Nasa huli ang pagsisisi

Bakit mo pinapairal ang iyong katamaran
Nakaupo ka d'yan nakatambay sa lansangan
Damang-dama na ng karamihan ang kahirapan
Ngunit bakit ba ganyan
Marami sa atin ay
Batugan batugan batugan batugan batugan
Batugan batugan batugan batugan

Hay naku ang sarap naman ng buhay ng katulad mo
Pagkagising mo kakain ka
Tapos tatambay ka sa kanto
Bibili ka ng sigarilyo at sisindihan mo
Sabay bigla kang uupo
Hihimasin mo pa yung t'yan mo
Makikipag-kwentuhan ka sa barkada mo
Ng kung ano-ano
Tapos ang pamilya mo nahihirapan na sa'yo
Sana mawakasan na ang pagiging isang dakilang tamad
Tamad
Batugan
Batugan
Tamad

Bakit mo pinapairal ang iyong katamaran
Nakaupo ka d'yan nakatambay sa lansangan
Damang-dama na ng karamihan ang kahirapan
Ngunit bakit ba ganyan
Marami sa atin ay
Batugan tamad batugan batugan tamad tamad batugan batugan tamad
Tamad batugan batugan tamad tamad batugan batugan tamad
Tamad batugan batugan tamad tamad batugan batugan tamad
Tamad batugan batugan tamad

Most popular songs of Pio Balbuena

Other artists of Asian hip hop