Kulang Ang Mundo

Masdan mo ang alapaap at mga puwang nito
Sa pagitan ng mga ulap doon tayo tutungo (oh)

Sa pag-ibig kong ito humanda ka maglakbay sa kalawakan dahil
Para sa'yo mahal ko ay hindi sapat ang dulo at hangganan ng mundo

Kaya't ako ay bubuo ng bagong paraiso at doon matatanto
Sa pag-ibig ko ay kulang ang mundo (oh)
Oh oh

Sa likod ng mga tala paglabas ng himpapawid
Sa hindi mo pa nakikita doon ka ihahatid (hatid)
Ng pag-ibig ko sa'yo humanda kang
Tuklasin ang isang bagong dako

Para sa'yo mahal ko ay hindi sapat ang dulo at hangganan ng mundo
Kaya't ako ay bubuo ng bagong paraiso at doon matatanto

Sa pag-ibig ko ay kulang ang mundo
Kung sa'kin ay kakapit ang anumang balakid
Ay di makakapigil sa ating lalakbayin
Ang mundo ng panaginip (panaginip)
Ang 'yong mata'y ipipikit makikita mo aking pag-ibig

Oh sa pag-ibig kong ito
Humanda ka maglakbay sa kalawakan dahil
Para sa'yo mahal ko ay hindi sapat ang dulo at hangganan ng mundo

Kaya't ako ay bubuo ng bagong paraiso at doon matatanto
Na kung hahayaan mo ang 'yong puso
Lakbayin ang lawak ng pag-ibig ko sa'yo
Makikita mo na kulang ang mundo

Most popular songs of Sam Mangubat

Other artists of Asian pop