Bunga

Noel Palomo

Pakiramdam ko’y lumulutang
Habang minamasdan kita
Kakaibang dulot ng ligaya
Nang maisilang mo na sya

Sa mundo natin na magkaiba
Ngunit pinagtagpo at pinagsama

Ngayong may bunga hindi na tayo iba
Higit sa pinag-isa
Ngayong may bunga
Mas iingatan ka at aalagaan pa
Dahil wala ng mas makapapantay
Sa biyayang hatid mo sa ‘king buhay
Ang bunga ng ating pagmamahalan ang patunay

Magkahalong tuwa at pagka-awa
Ramdam ko sa paghihirap mo
Upang ingatan ang isang buhay
Na ating makakasalo

Sa mundo natin na magkaiba
Ngunit pinagtagpo at pinagsama

Ngayong may bunga hindi na tayo iba
Higit sa pinag-isa
Ngayong may bunga
Mas iingatan ka at aalagaan pa
Dahil wala ng mas makapapantay
Sa biyayang hatid mo sa ‘king buhay
Ang bunga ng ating pagmamahalan ang patunay

Sa mundo natin na magkaiba
Ngunit pinagtagpo at pinagsama

Ngayong may bunga hindi na tayo iba
Higit sa pinag-isa
Ngayong may bunga
Mas iingatan ka at aalagaan pa
Dahil wala ng mas makapapantay
Sa biyayang hatid mo sa ‘king buhay
Ang bunga ng ating pagmamahalan ang patunay

Pakiramdam ko’y lumulutang
Habang minamasdan kita

Trivia about the song Bunga by Siakol

When was the song “Bunga” released by Siakol?
The song Bunga was released in 2015, on the album “Haymabu”.
Who composed the song “Bunga” by Siakol?
The song “Bunga” by Siakol was composed by Noel Palomo.

Most popular songs of Siakol

Other artists of