Haymabu

Noel Palomo

Nagmula sa hirap at masalimuot na direksyon
Baon ang lakas ng loob at gabay ng Panginoon
Walang inatrasang pagsubok at kahit ano mang hamon
Bitbit ang bandila na nagsisilbing inspirasyon

Naranasang bumagsak ngunit agad ay bumangon
Hindi sumusuko laging may pagkakataon
Nang makamit ang tamis ng tagumpay ang tanging tinutuon
Hanggang maitaas ang kamay at mahirang na kampyon

Woah woah woah
Karangalan ka ng ating lahing Pilipino
Woah woah woah
Karangalan ka ng ating lahing Pilipino

Naranasang bumagsak ngunit agad ay bumangon
Hindi sumusuko laging may pagkakataon
Nang makamit ang tamis ng tagumpay ang tanging tinutuon
Hanggang maitaas ang kamay at mahirang na kampyon
Mabuhay ang mga Pilipino (mabuhay)
Mabuhay ang Pilipinas (mabuhay)
Mabuhay ang mga Pilipino (mabuhay)
Mabuhay ang Pilipinas (mabuhay)

Woah woah woah
Karangalan ka ng ating lahing Pilipino
Woah woah woah
Karangalan ka ng ating lahing Pilipino

Isigaw mo sa mundo
Ako ay Pilipino Pilipinas ang bayan ko
Mula sa kakisigan ni Lapu-Lapu
Talino ni Rizal at tapang ni Bonifacio
Isigaw mo sa mundo
Ako ay Pilipino Pilipinas ang bayan ko
Mula sa kakisigan ni Lapu-Lapu
Talino ni Rizal at tapang ni Bonifacio

Woah woah woah
Karangalan ka ng ating lahing Pilipino
Woah woah woah
Karangalan ka ng ating lahing Pilipino
Woah woah woah
Karangalan ka ng ating lahing Pilipino
Woah woah woah
Karangalan ka karangalan ka
Karangalan ka ng ating lahing Pilipino

Trivia about the song Haymabu by Siakol

When was the song “Haymabu” released by Siakol?
The song Haymabu was released in 2015, on the album “Haymabu”.
Who composed the song “Haymabu” by Siakol?
The song “Haymabu” by Siakol was composed by Noel Palomo.

Most popular songs of Siakol

Other artists of