9 To Sawa

Yan Yuzon

Mukhang mapapabilis
Nanaman ang paglakad
Sa mga papeles mo
Kasi mula punchin ko
Hanggang log-out
Ikaw ang laman ng isip ko
Sa tuwing dumaraan
Ang supervisor mong ngiting aso sayo
Dumidilim ang paningin ko
Baka maunahan na niya ako

Wala ka mang sabihin
Kayang-kaya kong basahin
Sa'yong mga mata sa'yong mga mata
Hindi ako nananadya

Hindi ko namaitatago
Ang nadarama para sa'yo
Nangangarap na tuwing lunch break
Ikaw ang makaka salo

Wala ka mang sabihin
Kayang-kaya kong basahin
Sa'yong mga mata sa'yong mga mata
Hindi ako nananadya

Kaya't huwag nang umasang
Hindi ako makakaunawa
Kaya't huwag umasta
Na parang ngayon lang tayo
Nagka kilala

Ngunit wala kang katulad
Mula rito hanggang sa abot-tanaw ko
Kung tayo'y mapalad lahat areglado
Pati promotion mo

Wala kang katulad
Mula rito hanggang sa abot-tanaw ko
Kung tayo'y mapalad lahat areglado
Pati promotion mo

Pati promotion mo

Trivia about the song 9 To Sawa by Sponge Cola

When was the song “9 To Sawa” released by Sponge Cola?
The song 9 To Sawa was released in 2014, on the album “Ultrablessed”.
Who composed the song “9 To Sawa” by Sponge Cola?
The song “9 To Sawa” by Sponge Cola was composed by Yan Yuzon.

Most popular songs of Sponge Cola

Other artists of Post-rock