Nakapagtataka

Jim Paredes

Walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip
Mula ng tayo'y nagpasyang maghiwalay
Nagpaalam pagkat di' tayo bagay
Nakapagtataka, ooh-wooh

Kung bakit ganito ang aking kapalaran
Di ba ilang ulit ka ng nagpaalam
Bawat paalam, ay puno ng iyakan
Nakapagtataka, nakapagtataka

CHORUS:
Hindi ka ba napapagod
O di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang,
Walang hanggang katapusan
Napahid na'ng mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala ng maibubuga
Wala na akong maramdaman

Walang tigil ang ulan at nasaan ka araw?

Napa'no na'ng pag-ibig sa isa't-isa?
Wala na bang nananatiling pag-asa ?
Nakapagtataka, saan na napunta?

CHORUS:
Hindi ka ba napapagod
O di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang,
Walang hanggang katapusan
Napahid na'ng mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala ng maibubuga
Wala na akong maramdaman

Napahid na'ng mga luha
Damdamin at puso'y tigang
Wala ng maibubuga
Wala na akong maramdaman

Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan

Trivia about the song Nakapagtataka by Sponge Cola

When was the song “Nakapagtataka” released by Sponge Cola?
The song Nakapagtataka was released in 2008, on the album “Transit Deluxe”.
Who composed the song “Nakapagtataka” by Sponge Cola?
The song “Nakapagtataka” by Sponge Cola was composed by Jim Paredes.

Most popular songs of Sponge Cola

Other artists of Post-rock