Nangangawit [100% Greatest Hits]
Di mo ba napapansin
Sa mga nakaw kong tingin
Ang hindi masabi ng labi
Ay kinukubli sa ngiti
Hanggang kailan ko dadalhin
Aking lihim na pagtingin
Kung hindi mo pa alam
Ewan ko na lang
Dinggin
Ang di kayang sabihin
Ng puso kong
Malapit nang mangawit
Di ka ba nagtataka
Sa mga kinikilos kong
Halos di magkandarapa
At nauutal-utal pa
Patawarin mo ako
Kung ang kinikilos ko
Ay kabaliktaran ng tunay
Na nadarama ko
Dinggin
Ang di kayang sabihin
Ng puso kong
Malapit nang mangawit
Ha ha
Ano pang di ko kailangan gawin
Upang iyong mapansin
Kelan ba matatapos ang awit
Ng pusong nangangawit
Patawarin mo ako
Kung ang kinikilos ko
Ay kabaliktaran ng tunay
Na nadarama ko
O dinggin
Ang di kayang sabihin
Ng puso kong
Malapit nang mangawit
O dinggin
Ang di kayang sabihin
Ng puso kong
Malapit nang mangawit
Ha ha ha ha