Mahal ka Sa Akin

Mahal na mahal
'Yan ang damdamin na sa 'yo'y nararamdaman kung 'di mo alam
Puso'y 'di mapalagay 'pag 'di ka namamasdan bakit ganyan

At maging sa 'king pagtulog laging alaala ka
Nais makapiling nais makayakap sa t'wina

Nang dahil sa 'yo
Ang puso kong ito ay natutong magmahal sadya bang ganyan
Sana pag-ibig na nadarama'y pakaingatan o wag paglaruan
Dahil minsan lang umibig ang napili ay ikaw
Huwag sanang sasaktan
Ang puso na sa 'yo'y nagmahal nagmahal

Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin ohoho yehey

Nang dahil sa 'yo
Ang puso kong ito ay natutong magmahal sadya bang ganyan
Sana pag-ibig na nadarama'y pakaingatan o huwag paglaruan
Dahil minsan lang umibig ang napili ay ikaw
Huwag sanang sasaktan
Ang puso na sa 'yo'y nagmahal nagmahal

Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin

Tawag ng aking damdamin
Ay ikaw at walang iba
Ang lahat-lahat sa akin ay ikaw lang talaga
Puso'y huwag paluluhain
Ang pagsamo ko'y dinggin
Tunay na tunay mahal ka sa akin

Tunay na tunay mahal ka sa akin
Mahal ka sa akin yehee

Most popular songs of Tanya

Other artists of Reggae pop