Sa Araw Ng Pasko

Vehnee Saturno

'Di ba't kay ganda sa atin ng pasko
Naiiba ang pagdiriwang dito

Pasko sa ati'y hahanap-hanapin mo
Walang katulad dito ang pasko

Lagi mo na maiisip na sila'y nandito sana
At sa noche buena ay magkakasama

Ang pasko ay kay saya kung kayo'y kapiling na
Sana pagsapit ng pasko kayo'y naririto
Kahit pa malayo ka kahit nasaan ka pa
Maligayang bati para sa inyo sa araw ng pasko

Sa ibang bansa'y 'di mo makikita
Ang ngiti sa labi ng bawat isa
Alam naming hindi n'yo nais malayo
Paskong pinoy pa rin sa ating puso

Lagi mo na maiisip na sila'y nandito sana
At sa noche buena ay magkakasama

Ang pasko ay kay saya kung kayo'y kapiling na
Sana pagsapit ng pasko (sa pagsapit ng)
Kayo'y naririto
Kahit pa malayo ka kahit nasaan ka pa
Maligayang bati para sa inyo sa araw ng pasko

Dito mayro'ng caroling at may simbang gabi
At naglalakihan pa ang Christmas tree
Ang Christmas tree

Ang pasko ay kay saya kung kayo'y kapiling na
Sana pagsapit ng pasko (sana)
Kayo'y naririto (kayo'y naririto)
Kahit pa malayo ka kahit nasaan ka pa (nasaan ka pa)
Maligayang bati para sa inyo sa araw ng pasko

Sana pagsapit ng pasko kayo'y naririto (kayo'y naririto)
Kahit pa malayo ka kahit nasaan ka pa
Maligayang bati para sa inyo sa araw ng pasko oh

Most popular songs of TNT Boys

Other artists of Asian pop