Sitsiritsit [From "Starla"]

Sitsiritsit sitsiritsit sitsiritsit
Sitsiritsit alibangbang

Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri'y parang tandang

Huwag ka namang umasta ng ganyan paggalang sa ating mga pangalan
Manong ale sa lansangan huwag parang siga sa daan
Huwag dadaanin sa sindak ang ‘di makuha ng galak

Woah oh
Woah oh

Santo Niño sa pandakan
Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam

Sandali lang mga kabayan tama ba ang aking napakikinggan
‘Di napagbigyan sa tulong siya pa ang galit
Tulong dapat ibigay ‘di pinipilit
‘Pag nangutang naman huwag nang patagalin
Bayaran ng sapat at huwag mabibitin

Woah oh
Woah oh

Mama mama namamangka
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika

Ale ale namamayong
Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong

Pasensya na kung hindi maintindihan (pasensya na kung hindi maintindihan)
Huwag ipagpapalit ang tao sa kabagayan (huwag ipagpapalit ang tao sa kabagayan)
‘Pagsabihan na lang ‘pag sila'y nangungulit (nangungulit)
‘Pagtyagaan na lang (pagtyagaan na lang)
‘Di na nauulit-ulit (di na uulit-ulit)

Sitsiritsit (sitsiritsit)
Alibangbang (alibangbang)
Salaginto (salaginto)
At salagubang (at salagubang)
Ang babae (ang babae)
Sa lansangan (sa lansangan)
Kung gumiri'y (kung gumiri'y)
Parang tandang (parang tandang)

Santo Niño
Santo Niño sa Pandakan
Putoseko sa tindahan (putoseko )
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam

Mama mama namamangka
Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika

Ale ale namamayong
Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong

Woah oh
Woah oh
Woah oh
Woah oh
Woah oh
Woah oh

Woah oh

Most popular songs of TNT Boys

Other artists of Asian pop