Panghabang-buhay (Acoustic)
Hindi ba’t pangako
Sa ‘yo kailanman
Ang puso ko’y lagi
Sa ‘yo nakalaan
Wagas na pag-ibig
Na tangi kong gabay
Patungo sa piling mo
Panghabang-buhay
At bago pa magkatagpo
Ang ating landas
Alam ko na ikaw na nga
Hanggang sa wakas
At kung sa’n man abutin
Itong paglalakbay
Ikaw ang liwanag ko
Panghabang-buhay
Haaa-aa-habang-buhay
Haaa-aa-habang-buhay
Haaa-aa-aa-aa-aa
Tadhana ko’y piliin ka
Panghabang-buhay
Sa unang sulyap mo ay
Nabihag muli
Ang puso kong dati’y akala ko’y sawi
Ang aking kapalaran
Ay pipiliin ka
At kahit na maulit pa
Ang habangbuhay
Haaa-aa-habang-buhay
Haaa-aa-habang-buhay
Haaa-aa-aa-aa-aa
Tadhana ko’y piliin ka
Panghabang-buhay
Panghabang-buhay
Panghabang-buhay