Ano Pa Ba Ang Gusto Niya?
Anim na taon kaming magkasama
Araw-araw na lang sa tanghali gabi at umaga
Ano pa ba ang gusto niya
Ano pa ba ang gusto niya
Nakabukas nga ang pinto
Tuwing lalabas magpapaalam pa ako
Gabi-gabi ako nama'y umuuwi
Ano pa ba ang gusto niya
Ano pa ba ang gusto niya
Aaminin ko
Wala akong tiwala sa kanya
Noon pa man ako'y laging mayroong kaba
Nang malingat lamang ako
May kalokohang gagawin
Hindi na siya bata
Ngunit isip bata pa rin
Lunes hanggang linggo
Laging nandito lang ako
Sa kanya ay nakatanghod
Ano pa ba ang gusto niya
Ano pa ba ang gusto niya
Anong ipu-ipo ba ito
Ako'y nahihilong turumpo
Ako'y pinapaikot binibilog niya ang ulo ko
Kahit siya'y katabi
Parang nasa kung saan
Sa layo ng pagitan
Kailangan magsigawan
Dati nama'y nadadaan pa sa bulungan
Marahil sa kanya'y ito'y laro lamang
Darating ang panahon maaring pagsawaan niya
Ibinigay ko ang lahat-lahat
Ano pa ba ang gusto niya
Ano pa ba ang gusto niya
Ano pa ba ang gusto niya