Adik Sa 'yo

'Di ko na matago'ng aking bisyo
Araw-gabi tinutukso ako
Wala na 'kong ibang inasikaso
Ako'y naging alipin na nito

'Di naman ako tipong nagwawala
Disente nga't naaasahan pa
Ngunit tanggihan ko man ang puso ko'y alam
Ako'y adik sa 'yo

Nakaya ko ang tukso ng alak
Natanggihan ang hila ng shabu
Ngunit gayuma mo hindi makaya
Dalang-dalang kaluluwa ko sa 'yo

'Di naman ako tipong nagwawala
Disente nga't naasahan pa
Ngunit tanggihan ko man ang puso ko'y alam
Ako'y adik sa 'yo

Kung sa droga (dati gramo okay na adik sa'yo)
Ngayon kilo kulang pa (adik sa 'yo)
Kahit tonelada na (adik sa 'yo)
Ako'y nabibitin pa (adik sa 'yo)

Hinahanap-hanap ka (adik sa 'yo)
Sa gabi at umaga (adik sa 'yo)
Pag-aabang walang sawa (adik sa 'yo)
Dapat mapasa-akin ka

'Di na importante ang kumain
Tulog ay pwedeng wala na rin
Nakukunsumisyon sa pagnanasa
Dapat na ika'y mapasa'kin

'Di naman ako tipong nagwawala
Disente nga't naasahan pa
Ngunit tanggihan ko man ang puso ko'y alam
Ako'y adik sa 'yo

Kung sa droga (dati gramo okay na adik sa 'yo)
Ngayon kilo kulang pa (adik sa 'yo)
Kahit tonelada na (adik sa 'yo)
Ako'y nabibitin pa (adik sa 'yo)

Hinahanap-hanap ka (adik sa 'yo)
Sa gabi at umaga (adik sa 'yo)
Nag-aabang walang sawa (adik sa 'yo)
Dapat mapasa-akin ka (adik sa 'yo)

Dati gramo okay na (adik sa 'yo)
Ngayon kilo kulang pa (adik sa 'yo)
Kahit tonelada na (adik sa 'yo)
Ako'y nabibitin pa (adik sa 'yo)

Hinahanap-hanap ka (adik sa 'yo)
Sa gabi at umaga (adik sa 'yo)
Nag-aabang walang sawa (adik sa 'yo)
Dapat mapasaakin ka (adik sa 'yo)

Most popular songs of APO Hiking Society

Other artists of Asian pop