Alipin Ng Mundo

Jim Paredes

Ikaw ay nahahanap sa bawat sulok ng mundo
Pagkat ang mura lang ng bayad sa talino mo
Alila ng dayuhan at yaya ng kanyang anak
At kung minsan naman ika'y pulutan sa alak
Tinitiis mo ang lahat ng hirap at luha
Upang pamilya ay makaraos at guminhawa
Binabaliwala mo lamang ang sakit ng kalungkutan
Nagpapasalamat pa na may pinagkakakitaan

Ikaw ba'y alipin ng mundo
Naiiba sa lahi mo
Ulila sa pinanggalingan alipin sa pinuntahan
Kaibigan paano ka nagkaganito

Ikaw ay nasa pook maliban sa iyong bansa
At ang tingin nila sa 'yo ay napakababa
Pinagagawa sa 'yo ang mga ayaw nilang gawin
At 'pag natapos na'ng kontrata ika'y pauuwiin

Mahirap palang mabuhay na walang karapatan
Nakikisuyo lang sa bawat pangangailangan
Laging nag-iingat dahil wala ka sa iyong bansa
Walang mapuntahan kapag ikaw ay nasita

Ikaw ba'y alipin ng mundo
Naiiba sa lahi mo
Ulila sa pinanggalingan alipin sa pinuntahan
Kaibigan paano ka nagkaganito

Ikaw ba'y alipin ng mundo
Naiiba sa lahi mo
Ulila sa pinanggalingan alipin sa pinuntahan
Kaibigan paano ka nagkaganito

Trivia about the song Alipin Ng Mundo by APO Hiking Society

When was the song “Alipin Ng Mundo” released by APO Hiking Society?
The song Alipin Ng Mundo was released in 1990, on the album “Mga Kuwento ng Apo”.
Who composed the song “Alipin Ng Mundo” by APO Hiking Society?
The song “Alipin Ng Mundo” by APO Hiking Society was composed by Jim Paredes.

Most popular songs of APO Hiking Society

Other artists of Asian pop