Ano Ang Ibig Mong Sabihin

Ano ang ibig mong sabihin
Bakit ka ba puno ng lihim
Akala ko ba'y ayos na ang usapan
Hanggang sa kinabukasan

Ang buhay natin ay napakaikli
Diyos ko po ba't 'di pa tayo magkasama muli
'Wag na sanang mag-aksaya ng oras
Ang kinakailangan natin ka-kailangan natin
Ka-kailangan natin ay magkaharap

Oh please pakinggan mo sana 'to
Tanging mga sinasabi ko
Para sa ating kabutihan
Tayo ay magkaintindihan

Oh kay tagal kong nandito sa dilim
Diyos ko po kung pwede lang sana'y iyong isipin
'Wag ka sanang mag-aksaya ng oras
Muli tayong magkasama tayong magkasama
Tayong magkasama at magkaharap oh

Oh please pakinggan mo sana 'to
Tanging mga sinasabi ko
Para sa ating kabutihan
Tayo ay magkaintindihan

Ang buhay natin ay napakaikli
Diyos ko po kung pwede lang magsama tayong muli
'Wag na sanang mag-aksaya ng oras
Muli tayong magkasama tayong magkasama
Tayong magkasama at magkaharap oh

Trivia about the song Ano Ang Ibig Mong Sabihin by APO Hiking Society

When was the song “Ano Ang Ibig Mong Sabihin” released by APO Hiking Society?
The song Ano Ang Ibig Mong Sabihin was released in 1975, on the album “Collector’s Item”.

Most popular songs of APO Hiking Society

Other artists of Asian pop