Hiwaga

Jim Paredes

Ligaw patingin-tingin mga bulong mo sa hangin
Sa'n na ba napunta oh kay gandang hiwaga
At tila 'pag mayro'ng sinta barkada'y iiwanan na
Bakit nagkakaganyan malalim na hiwaga

Ibon ay nagtipon ng damo pampugad
Tao ay nagtatali bago umulan
Ang mga mang-iibig 'di na rin nalalayo
Bilang ay siyam na buwan pag-ibig ay nagbubunga na rin

'Wag mo nang intindihin hiwaga'y 'wag nang lutasin
Sayang ang hiwaga 'pag 'di na siya hiwaga

Ibon ay nagtipon ng damo pampugad
Tao ay nagtatali bago umulan
Ang mga mang-iibig 'di na rin nalalayo
Bilang ay siyam na buwan pag-ibig ay nagbubunga na rin

Buhay patakbo-takbo tila lolo na ako
Paano nagkaganyan ang aking kalagayan
'Wag mo nang intindihin hiwaga'y 'wag nang lutasin
Sayang ang hiwaga
'Pag di na siya hiwaga

Trivia about the song Hiwaga by APO Hiking Society

When was the song “Hiwaga” released by APO Hiking Society?
The song Hiwaga was released in 1983, on the album “True to My Music”.
Who composed the song “Hiwaga” by APO Hiking Society?
The song “Hiwaga” by APO Hiking Society was composed by Jim Paredes.

Most popular songs of APO Hiking Society

Other artists of Asian pop