Karaniwang Tao

Joey Ayala

Ako po'y karaniwang tao lamang
Kayod-kabayo 'yan ang alam
Karaniwang hanap-buhay
Karaniwan ang problema
Pagkain damit at tirahan

'Di ko kabisado 'yang siyensiya
Ako'y nalilito sa maraming salita
Alam ko lang na itong planeta'y
Walang kapalit at dapat ingatan
Kapag nasira sino ang kawawa

Karaniwang tao saan ka tatakbo
Kapag nawasak iisang mundo
Karaniwang tao anong magagawa
Upang bantayan ang kalikasan

Karaniwang bagay ay 'di pansin
Kapag naipon ay nagiging suliranin
Kaunting basura ngayo'y bundok
Kotseng sira ay umuusok
Sabong panlaba'y pumapatay sa ilog

May lason na galing sa industriya
Ibinubuga ng mga pabrika
Ngunit 'di lamang higante
Ang nagkakalat ng dumi
May kinalaman din ang tulad natin

Karaniwang tao saan ka tatakbo
Kapag nawasak iisang mundo
Karaniwang tao anong magagawa
Upang bantayan ang kalikasan

Karaniwang tao
Karaniwang tao
Karaniwang tao
Karaniwang tao

Karaniwang tao saan ka tatakbo
Kapag nawasak iisang mundo
Karaniwang tao anong magagawa
Upang bantayan ang kalikasan

Karaniwang tao

Trivia about the song Karaniwang Tao by APO Hiking Society

When was the song “Karaniwang Tao” released by APO Hiking Society?
The song Karaniwang Tao was released in 2001, on the album “Banda Rito”.
Who composed the song “Karaniwang Tao” by APO Hiking Society?
The song “Karaniwang Tao” by APO Hiking Society was composed by Joey Ayala.

Most popular songs of APO Hiking Society

Other artists of Asian pop