Kung May Problema

Jim Paredes

Bakit ka lumuluha kagabi
Nanginginig sa dilim
Tumatakbo naghahanap ng balikat
Na masusumbungan maiiyakan

Masyado bang malamig ang ihip ng hangin
Sobrang dilim bandang gabi
Naghahanap ka ba ng masasandalan
At makakasama hanggang umaga

'Wag ka nang lumayo pa nariritong hinahanap mo
Oh giliw 'pag may problema
Hetong balikat kong maaari mong iyakan at sandalan
Oh giliw 'pag may problema
'Di na dapat mag-iisa

'Di ka na dapat nangangamba pa
'Wag nang mag-aalala
Naririto ako naghihintay
'Pag may problema sa 'kin umasa

'Wag ka nang lumayo pa nariritong hinahanap mo
Oh giliw 'pag may problema
Hetong balikat kong maaari mong iyakan at sandalan
Oh giliw 'pag may problema
'Di na dapat mag-iisa

Hetong balikat kong maaari mong iyakan at sandalan
Oh giliw 'pag may problema
'Di na dapat mag-iisa

'Wag ka nang lumayo pa nariritong hinahanap mo
Oh giliw 'pag may problema
Hetong balikat kong maaari mong iyakan at sandalan
Oh giliw 'pag may problema
'Di na dapat 'di na dapat mag-iisa

Trivia about the song Kung May Problema by APO Hiking Society

When was the song “Kung May Problema” released by APO Hiking Society?
The song Kung May Problema was released in 1983, on the album “True to My Music”.
Who composed the song “Kung May Problema” by APO Hiking Society?
The song “Kung May Problema” by APO Hiking Society was composed by Jim Paredes.

Most popular songs of APO Hiking Society

Other artists of Asian pop