Maasahan Mo Ako

Jim Paredes

[Verse 1]
Bawat sandali
Ng aking buhay
Umaga't gabi
Ikaw ay nasa isip ko
Ngiti ng labi
Ningning ng 'yong mata
Anyong kayumanggi
Hugis ng iyong mukha

[Pre-Chorus]
Mula no'ng bata pa ako
Hangga't ngayong binata na
Ikaw na ang aking tadhana

[Chorus]
Walang nagbago, heto pa rin ako
Nagmamahal sa iyong tunay
Maaasahan mo ako
Maaasahan mo ako

[Verse 2]
Sikat ng araw
Asul ng langit
Puti ng ulap
At lamig ng hangin
Tila tumitingkad
Kapag kasama ka
Kay yaman ng buhay
'Pag tayo'y dal'wa

[Pre-Chorus]
Problema'y kayang-kaya
Hirap ay nawawala
Ang kalooban ko ay buo

[Chorus]
O heto ako, umiibig sa 'yo
Pagmamahalan na tunay
At walang hangganan
Maaasahan mo ako
Maaasahan mo ako
Oh-oh

[Instrumental Break]

[Pre-Chorus]
Magbago man ang panahon
'Di pa rin magmamaliw
Ang pag-ibig natin, o giliw

[Chorus]
Oh, heto ako, nagmamahal sa'yo
Sa hirap at sa ginhawa
Sa gabi't umaga
Maaasahan mo ako
Pagmamahalan na tunay
At walang hangganan
Ako'y nagmamahal sa'yo

Trivia about the song Maasahan Mo Ako by APO Hiking Society

When was the song “Maasahan Mo Ako” released by APO Hiking Society?
The song Maasahan Mo Ako was released in 1991, on the album “Songbuk ng APO”.
Who composed the song “Maasahan Mo Ako” by APO Hiking Society?
The song “Maasahan Mo Ako” by APO Hiking Society was composed by Jim Paredes.

Most popular songs of APO Hiking Society

Other artists of Asian pop