Nakapagtataka

Jim Paredes

Walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip
Mula nang tayo'y nagpasyang maghiwalay
Nagpaalam pagkat hindi tayo bagay
Nakapagtataka oh

Kung bakit ganito ang aking kapalaran
Di ba't ilang ulit ka nang nagpaalam
At bawat paalam ay puno ng iyakan
Nakapagtataka nakapagtataka

Hindi ka ba napapagod o di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang walang hanggang katapusan
Napahid na ang mga luha damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga wala na 'kong maramdaman

Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan oh

Walang tigil ang ulan at nasaan ka araw
Napano na'ng pag-ibig sa isa't isa
Wala na bang nananatiling pag-asa
Nakapagtataka saan ka napunta

Hindi ka ba napapagod o di kaya'y nagsasawa
Sa ating mga tampuhang walang hanggang katapusan
Napahid na ang mga luha damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga wala na 'kong maramdaman oh

Napahid na ang mga luha damdamin at puso'y tigang
Wala nang maibubuga wala na 'kong maramdaman

Kung tunay tayong nagmamahalan
Ba't di tayo magkasunduan oh

Trivia about the song Nakapagtataka by APO Hiking Society

On which albums was the song “Nakapagtataka” released by APO Hiking Society?
APO Hiking Society released the song on the albums “Pagkatapos ng Palabas” in 1978 and “The Best of APO Hiking Society, Volume 2” in 1991.
Who composed the song “Nakapagtataka” by APO Hiking Society?
The song “Nakapagtataka” by APO Hiking Society was composed by Jim Paredes.

Most popular songs of APO Hiking Society

Other artists of Asian pop