Pumapatak Ang Ulan Mahirap Magmahal Ng Syota Ng Iba Medley

Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay
Di maiwasang gumawa ng di inaasahang bagay
Laklak ng laklak ng beer magdamagan
May kahirapan at di maiwasan
Mabuti pa kaya matulog ka nalang at baka sumakit ang tiyan

Ang araw ko'y nabubusisi ako and nasisisi
Bakit ba sila ganyan
Ang pera ko ay di magkasya
Hindi makapagsine at ayaw namang dagdagan

Ubos na rin ang beer kaya kape na lang
Lahat sinusubukan kahit walang pulutan
Ang buhay ng tamad walang hinaharap
Ni konting sarap man lang

Radyo tv at mga lumang komiks
Wala nang ibang mapaglibangan
At kung mayroon kang tatawagan
Phonecard nalang ang makakaltasan aha

Mahirap talaga magmahal ng siyota ng iba
Hindi mo mabisita kahit na okay sa kanya
Mahirap oh mahirap talaga
Maghanap nalang kaya ng biyuda

Ngunit kapag aking makita ang kanyang mga mata
Nawawala ang aking pagkadismaya
Sige lang sugod lang
Oh bahala na bahala na kung magkabistuhan pa

I-dial mo ang number sa telepono
'Wag mong ibigay ang tunay na pangalan mo
'Pag nakausap mo siya'y sasabihin sa'yo
Tumawag ka mamaya nandito siyota ko
Whoa

Mahirap talaga ang magmahal ng iba
Oh sakit ng ulo maniwala ka
Ngunit kahit ano pang sabihin nila
Iwanan siya'y 'di ko magagawa

Oh mahirap humanap ng iba
Oh sakit ng ulo maniwala ka
Ngunit kahit ano pang sabihin nila
Iwanan siya'y 'di ko magagawa

Pumapatak na naman ang ulan
Iwanan siya'y 'di ko magagawa
Pumapatak
Pumapatak
Iwanan siya'y 'di ko magagawa

Aha aha aha aha ha ha ha
Oh yeah

Most popular songs of APO Hiking Society

Other artists of Asian pop