Pumapatak Ang Ulan

Danny Javier

Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay
Di maiwasang gumawa ng di inaasahang bagay
Laklak ng laklak ng beer magdamagan
May kahirapan at di maiwasan
Mabuti pa kayang matulog ka na lang
At baka sumakit ang tiyan

Ang araw ko'y nabubusisi
Ako ang nasisisi
Bakit ba sila ganyan
Ang pera ko ay di magkasya
Hindi makapagsine at ayaw naman dagdagan
Ubos na rin ang beer kaya kape na lang
Lahat sinusubukan kahit walang pulutan
Ang buhay ng tamad
Walang hinaharap ni konting
Sarap man lang

Radyo TV at mga lumang komiks
Wala ng ibang mapaglibangan
At kung meron kang tatawagan
Trenta sentimos ika'y makakaltasan aha

Umiindak ang paa sa kumpas na tugtuging bago
Hanggang kumpas ka nalang at di mo na alam ang tono
Sa paghinto ng ulan ano ang gagawain
Huwag ng isipin at walang babaguhin
Mabuti pa kaya matulog ka nalang
Matulog na ng mahimbing

Pumapatak na naman ang ulan
Pumapatak na naman ang ulan
Pumapatak na naman ang ulan

Trivia about the song Pumapatak Ang Ulan by APO Hiking Society

On which albums was the song “Pumapatak Ang Ulan” released by APO Hiking Society?
APO Hiking Society released the song on the albums “Pagkatapos ng Palabas” in 1978 and “The Best of APO Hiking Society” in 1982.
Who composed the song “Pumapatak Ang Ulan” by APO Hiking Society?
The song “Pumapatak Ang Ulan” by APO Hiking Society was composed by Danny Javier.

Most popular songs of APO Hiking Society

Other artists of Asian pop