Sanggol Na Mahiwaga

Jim Paredes

Sanggol na mahiwaga'y darating na
At alay niya sa 'tin ay pag-asa
Ating tanggapin ang kanyang pagmamahal

Kapag sasapit na ang araw ng kanyang kaarawan
Ang bawat puso sa mundo ay puno ng kasiyahan
Nagpapalitan ng mga regalo at nagbibigayan
Pagkat ito ay pagdiriwang ng ating kaligtasan

Halina mga kapitbahay kapatid kaibigan
Tayo'y magsama-sama at ito'y ating paghandaan
Itabi na lang ang galit at tayo'y magmahalan
Tanggapin natin ang bata sa 'ting buhay't tahanan

Sanggol na mahiwaga'y darating na
At alay niya sa 'tin ay pag-asa
Ating tanggapin ang kanyang pagmamahal (pagmamahal)

Sanggol na mahiwaga'y narito na
At dala niya ang ating pag-asa
Tanggapin ang kanyang pagmamahal (pagmamahal)

Maligayang pasko sa inyo kami ay pakinggan
Mula sa puso'ng aming awit para sa sanlibutan
Itabi na lang ang galit at tayo'y magmahalan
Tanggapin natin ang bata sa 'ting buhay't tahanan

Sanggol na mahiwaga'y darating na
At alay niya sa 'tin ay pag-asa
Ating tanggapin ang kanyang pagmamahal

Sanggol na mahiwaga'y narito na
At dala niya ang ating pag-asa
Tanggapin ang kanyang pagmamahal

Sanggol na mahiwaga'y darating na
At alay niya sa 'tin ay pag-asa
Ating tanggapin ang kanyang pagmamahal

Sanggol na mahiwaga'y darating na
At dala niya ang ating pag-asa
Ating tanggapin ang kanyang pagmamahal

Trivia about the song Sanggol Na Mahiwaga by APO Hiking Society

When was the song “Sanggol Na Mahiwaga” released by APO Hiking Society?
The song Sanggol Na Mahiwaga was released in 1991, on the album “Paskonapo”.
Who composed the song “Sanggol Na Mahiwaga” by APO Hiking Society?
The song “Sanggol Na Mahiwaga” by APO Hiking Society was composed by Jim Paredes.

Most popular songs of APO Hiking Society

Other artists of Asian pop