Sasaya Ang Pilipinas

Jim Paredes

Nasa tamang kalagayan ang puso mo
At ako'y hanga sa 'pinaglalaban mo
'Yang mga prinsipyo sa baya'y mahalaga
Ika'y tunay na bayani – bayani sa iyong bansa

Meron ding mga bayani sa kabila
Iba sa iyo sa isip at paniniwala
Meron ding tungkulin na ipinaglalaban
Ba't hindi sana kayo magkaibigan

[Refrain]
Itabi na muna'ng galit at armas
At subukang pag-usapan ang problema
At sa bawat araw na lilipas na walang labanan
Ay maaring makahanap ng mapayapang lunas
At sasaya ang Pilipinas

Bakit may rebelde, bakit may sundalo
Ba't nagpapatayan kapwa Pilipino
Iilan pang bata'ng dapat maulila
Bago manahimik dito sa ating bansa

Di n'yo bang makita kung saan patungo
Kung hindi magkasundo ang mga panig ninyo
Aming nalalaman na talagang mahirap
Ngunit kapayapaan ang aming pangarap

[Refrain]
Itabi na muna'ng galit at armas
At subukang pag-usapan ang problema
At sa bawat araw na lilipas na walang labanan
Ay maaring makahanap ng mapayapang lunas
At sasaya ang Pilipinas

Itabi na muna'ng galit at armas
At subukan pag-usapan ang problema
At sa bawat araw na lilipas na walang labanan
Ay maaring makahanap ng mapayapang lunas
At sasaya ang Pilipinas (8x until fade)

Trivia about the song Sasaya Ang Pilipinas by APO Hiking Society

When was the song “Sasaya Ang Pilipinas” released by APO Hiking Society?
The song Sasaya Ang Pilipinas was released in 1986, on the album “Direksyon”.
Who composed the song “Sasaya Ang Pilipinas” by APO Hiking Society?
The song “Sasaya Ang Pilipinas” by APO Hiking Society was composed by Jim Paredes.

Most popular songs of APO Hiking Society

Other artists of Asian pop