Ang Hirap Maging Mahirap

Ako nga pala si Toto simpleng batang may pangarap
Lumaki sa kalye edad ko’y mag te-trese
Himig ko ang mga busina ng mga kotseng dumaraan
Sabay laro ng patintero kay kamatayan

Nung umpisa hindi ko pa maintindihan
Ngunit nung tumagal aking naramdaman

Ang hirap maging mahirap
Hindi patas ang biyaya’y laging nasa itaas
Ang hirap maging mahirap
Kailan ba ‘to magwawakas ang hirap maging mahirap

Hanggang sa ako ay tumanda mata’y unti-unting namulat
Tingnan ang bawat kalsada kaliwa’t kanan ang bakas ng lumalaban
Mairaos lang ang isang araw para sa pamilyang kong gutom na at uhaw
Handang gawin lahat mali man ang aking galaw

Nung umpisa hindi ko pa maintindihan
Ngunit nung tumagal aking naramdaman

Ang hirap maging mahirap
Hindi patas ang biyaya’y laging nasa itaas
Ang hirap maging mahirap
Kailan ba ‘to magwawakas ang hirap maging mahirap oh

Ang hirap mabuhay sa mundo kung saan binabase lahat
Sa kapirasong papel na may imprenta
Ayokong magreklamo pero tila tinapak-tapak-tapakan pagkatao
Limitado delikado apektado sigurado
Bawat kwento sintunado bawat oras singkupado
Ayoko na tama na gusto kong magbago pero
Tila ba merong nakaabang bang bang bang bang

Oh ang hirap maging mahirap
Hindi patas ang biyaya’y laging nasa itaas
Ang hirap maging mahirap
Kailan ba kailan ba kailan magwawakas
Ang hirap maging mahirap
Hindi patas ang biyaya’y laging nasa itaas
Ang hirap maging mahirap
Kailan ba ‘to magwawakas ang hirap maging mahirap

Napakahirap na maging mahirap dito sa mundo
Hindi mo na alam kung ano ba’ng mali at totoo
Sakit sagad na sa buto kailan ba ‘to mahihinto
Meron pa bang pag-asa ang putik mahalo sa ginto
Napakahirap na maging mahirap dito sa mundo
Hindi mo na alam kung sino ba’ng mali at totoo
Sakit sagad na sa buto kailan ba ‘to mahihinto
Meron pa bang pag-asa ang putik mahalo sa ginto

Ako nga pala si Toto simpleng batang may pangarap

Most popular songs of Davey Langit

Other artists of Pinoy pop