Kuya

So eto na nga you're a friend of a friend
'Di ka nagrehistro nung halungkatin ko
Sa isip ang iyong mukha
Aking napagtanto ngayon ka lamang nakita

Ah napangangang bahagya
Kailangang dumiskarte bago ka mawala
Heto na kakapalan ko na ang aking mukha
Feeling ko hindi naman ako mapapahiya

So lumapit na 'ko kay Anna
Humirit na akong sa 'yo ay ipakilala
Hi pagbati mong malambing
Okay na sana kaso 'di kinaya
Nang aking biglang marinig na

Tinawag mo 'kong kuya aaaha aaaha ah
Tinawag mo 'kong kuya aaaha aaaha ah
Pinapatayuan mo kaagad ng pader
Para bang ang sinasabi mo sa 'kin
Hanggang there lang tayo
Kuya aaaha ah

For your information 'di kita kamag-anak
Gusto kong linawain na iba aking balak
'Di interesado na tawagin mong bes
Mas okay sa 'king makasama ka for the rest of my buhay

Bakit hindi mo i-try
Subok lang baka ako na ang 'yong hinihintay
Heto na sa mga biro ko ika'y tumatawa
Sabay sambit mo sa 'kin na nakakatuwa ka

Ah parang ako'y nasa langit
Pero ang puso ko'y nabasag nang 'yong ihirit
Haay bakit mo dinugtungan
Okay na sana na natutuwa ka
Ngunit hindi ko matanggap na

Dinagdagan mo pa ng kuya aaaha aaaha ah
Tinawag mo 'kong kuya aaaha aaaha ah
Pinapatayuan mo kaagad ng pader
Para bang ang sinasabi mo sa 'kin
Hanggang there lang tayo
Kuya aaaha ah

Bakit hindi pu-pwede ang Mayo-Disyembre
Bakit kailangan mo agad patayin ang pag-asa
Sa pamamagitan ng isang salita
Okay na sana kaso 'di kinaya
Ganun na ba ako katanda

Pinapatayuan mo kaagad ng pader
Para bang ang sinasabi mo sa 'kin
Hanggang there lang tayo
Kuya aaaha ah (kuya kuya kuya kuya kuya kuya)

Bakit tinawag mo 'kong kuya (kuya kuya kuya kuya kuya kuya)
Please lang 'wag mo akong i-kuya (kuya kuya kuya kuya kuya kuya)
Oh hindi mo ako kuya (kuya kuya kuya kuya kuya kuya)

Most popular songs of Davey Langit

Other artists of Pinoy pop