Bulag, Pipi, Bingi

Oh oh (oh)
Madilim ang 'yong paligid hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan
H'wag mabahala kaibigan isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan ligtas ka sa kasalanan

Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Ibigin mo mang umawit hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso't damdamin wala sa 'yong pumapansin
Sampung daliri kaibigan d'yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang dakila ka sa sinuman

Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal oh (oh)

Ano sa 'yo ang musika sa 'yo ba ay mahalaga
Matahimik mong paligid awitan ay 'di madinig
Mapalad ka o kaibigan napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo walang daing walang gulo

Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal (ah ah)

Trivia about the song Bulag, Pipi, Bingi by Lani Misalucha

When was the song “Bulag, Pipi, Bingi” released by Lani Misalucha?
The song Bulag, Pipi, Bingi was released in 2014, on the album “The Nightingale Returns (Sings the Greatest Filipino Songbook)”.

Most popular songs of Lani Misalucha

Other artists of Middle of the Road (MOR)