Paano
Oh
Paano kung wala na paano ba ang mag-isa
Mula nang makasama ka kung paano'y limot ko na
Paano ang pag-ibig ko kung di rin lang laan sayo
Ang buhay ng ating mundo di ko alam kung paano
Bago ka lumisan sana'y maturuan mo
Na iwasan ang bawat nakasanayan ko
At limutin na ang maghintay lagi sa'yo
Paano ba ito sadyang kay daming bagay
Na hindi ko na alam tulad ng lumuha
At sa'yo ay magdamdam dahil naniwalang
Labis mo akong mahal laman ng bawat mong dasal
Paano ang aking gagawin kung di mo na ako pansin
Kung ito'y panaginip din paano ba ang magising
Bago ka lumisan sana'y maturuan mo
Na iwasan ang bawat nakasanayan ko
At limutin na ang maghintay lagi sa'yo
Paano ba ito sadyang kaydaming bagay
Na hindi ko na alam tulad ng lumuha
At sa'yo ay magdamdam dahil naniwalang
Labis mo akong mahal laman ng bawat mong dasal
Paano ba mahal paano ba mahal