Gaano Kadalas Ang Minsan

Gaano kadalas ang minsan lang ka mahagkan
'Sin dalas na rin ng dami ng bituin waring walang hangan
Dahil sa labi ko'y lagi mararamdaman
Kahit sandali halik mo'y dumampi minsan

Gaano kadalas ang makapiling kang minsan
Sa 'kin 'sin dalas ng walang wakas saglit man magpisan
Dahil sa ganoon paraan lang mag-iisa
Kung magsasanib ang dalawang dibdib 'di ba

Ngunit kung pag-ibig ay hindi rin lang wagas
Mabuti pa mabuti nga mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasin-dalas

Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan
Kahit minsan lang sa 'kin para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay
Gaano kadalas gaano kadalas ang minsan

Dahil ang pag-ibig kung hindi rin lang wagas
Mabuti pa mabuti nga mabuti ang hanggang maaga'y magwakas
Pagkukunwari itago man ay lalabas
At minsan kang matuklasan hapdi'y walang kasin-dalas

Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan
Kahit minsan lang sa 'kin para bang walang katapusan
Gaano kadalas ba ang puso'y namamatay
Gaano kadalas gaano kadalas ang minsan
Gaano kadalas gaano kadalas ang minsan

Trivia about the song Gaano Kadalas Ang Minsan by Lani Misalucha

When was the song “Gaano Kadalas Ang Minsan” released by Lani Misalucha?
The song Gaano Kadalas Ang Minsan was released in 2014, on the album “The Nightingale Returns (Sings the Greatest Filipino Songbook)”.

Most popular songs of Lani Misalucha

Other artists of Middle of the Road (MOR)