Kay Ganda Ng Ating Musika

Ryan Cayabyab

Magmula no'ng ako'y natutong umawit
Naging makulay ang aking munting daigdig
Tila ilog pala ang paghimig
Kung malalim damdami'y pag-ibig
Kung umapaw ang kaluluwa't tinig
Ay sadyang nanginginig

Magmula no'ng ako'y natutong umawit
Bawat sandali'y aking pilit mabatid
Ang himig na maituturing atin
Mapupuri pagka't bukod-tangi
Di marami ang di-magsasabing
Heto na't inyong dinggin

Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin sariling atin
At sa habang buhay awitin natin

Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin sariling atin

Magmula no'ng ako'y natutong umawit
Nagkabuhay muli ang aking paligid
Ngayong batid ko na ang umibig
Sa sariling tugtugtin o himig
Sa isang makata'y maririnig
Mga titik nagsasabing

Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin sariling atin
At sa habang buhay awitin natin

Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin sariling atin
Ito ay atin

Ito ay atin sariling atin
At sa habang buhay awitin natin

Kay ganda ng ating musika
Kay ganda ng ating musika
Ito ay atin
Sariling atin
Ito ay atin

Trivia about the song Kay Ganda Ng Ating Musika by Noel Cabangon

When was the song “Kay Ganda Ng Ating Musika” released by Noel Cabangon?
The song Kay Ganda Ng Ating Musika was released in 2009, on the album “Byahe”.
Who composed the song “Kay Ganda Ng Ating Musika” by Noel Cabangon?
The song “Kay Ganda Ng Ating Musika” by Noel Cabangon was composed by Ryan Cayabyab.

Most popular songs of Noel Cabangon

Other artists of Asiatic music