Kung Kailangan Mo Ako

Rey Valera

Mayrong lungkot sa yong mga mata
At kay bigat ng yong dinadala
Kahit di mo man sabihin
Paghihirap mo'y nadarama ko rin

Narito ang mga palad ko
Handang dumamay kung kailangan mo
Asahan mong mayron kang kaibigan
Laging tapat sa yo

At kung kailangan mo ako
Sa oras ng iyong pag-iisa
Kung naninimdim
Asahan mong ako ay darating
Kung kailangan mo ako
Sa sandaling bigo na ang lahat
Pusong kay tamis
Kailan ma'y di kita matitiis
Sa sandaling kailangan mo ako

Narito ang mga palad ko
Handang dumamay kung kailangan mo
Asahan mong mayron kang kaibigan
Laging tapat sa yo

At kung kailangan mo ako
Sa oras ng iyong pag-iisa
Kung naninimdim
Asahan mong ako ay darating
Kung kailangan mo ako
Sa sandaling bigo na ang lahat
Pusong kay tamis
Kailan ma'y di kita matitiis
Kung kailangan mo ako
Sa oras ng iyong pag-iisa
Kung naninimdim
Asahan mong ako ay darating
Kung kailangan mo ako
Sa sandaling bigo na ang lahat
Pusong kay tamis
Kailan ma'y di kita matitiis
Sa sandaling kailangan mo ako
Sa sandaling kailangan mo ako
Sa sandaling kailangan mo ako

Trivia about the song Kung Kailangan Mo Ako by Noel Cabangon

When was the song “Kung Kailangan Mo Ako” released by Noel Cabangon?
The song Kung Kailangan Mo Ako was released in 2009, on the album “Byahe”.
Who composed the song “Kung Kailangan Mo Ako” by Noel Cabangon?
The song “Kung Kailangan Mo Ako” by Noel Cabangon was composed by Rey Valera.

Most popular songs of Noel Cabangon

Other artists of Asiatic music