Panalangin Maging Bukas Palad
Pinakamamahal na Panginoon
Turuan mong ako’y maging bukas-palad
Sa Iyo’y maglingkod nang karapat-dapat
Magbigay, h’wag sa gugol masindak
Makibaka’t h’wag mag-inda ng sugat
Magsikap at hindi pahinga ang hanap
Gumawa at h’wag maghintay ng bayad
Maliban na lamang sa gunitang hanap
Na kalooban Mo’y aking ginaganap
Makibaka’t h’wag mag-inda ng sugat
Magsikap at hingi pahinga ang hanap
Gumawa at h’wag maghintay ng bayad
Maliban na lamang sa gunitang hanap
Na kalooban Mo’y aking ginaganap