Akala Ko'y Langit

Noel Palomo

At tinangay ka na ng hangin
Papalayo sa akin
Wala nang iisipin
Kahibangan ko'y natapos din

Nasanay na akong magulo ang mundo
Nasanay na akong malayo sayo
Wala na kahit pa maganda mong ala-alang nakakapit
Aalisin ko na rin ang larawan mong nakasabit

At tinangay na rin ng usok
Naglaho na at may tuldok
Di na makakapasok
Tapos na ako sa pagsubok

Alam ko nang may tama ang mali
Alam ko nang ang sobra'y may sukli
Dahil ang isang katulad mo'y liwanag na marikit
At ako ang gamu-gamu na sa iyo'y napalapit

Akala ko'y langit
Bakit ang init
Lagi na lang nag-aakala
Dahil sa pagtitiwala
Akala ko'y langit
Bakit ang init
Huli man daw ang pagsisisi
May umaga naman pagtapos ng gabi

Alam ko nang may tama ang mali
Alam ko nang ang sobra'y may sukli
Dahil ang isang katulad mo'y liwanag na marikit
At ako ang gamu-gamu na sa iyo'y napalapit

Akala ko'y langit
Bakit ang init
Lagi na lang nag-aakala
Dahil sa pagtitiwala
Akala ko'y langit
Bakit ang init
Huli man daw ang pagsisisi
May umaga naman pagtapos ng gabi

Trivia about the song Akala Ko'y Langit by Siakol

When was the song “Akala Ko'y Langit” released by Siakol?
The song Akala Ko'y Langit was released in 2015, on the album “Haymabu”.
Who composed the song “Akala Ko'y Langit” by Siakol?
The song “Akala Ko'y Langit” by Siakol was composed by Noel Palomo.

Most popular songs of Siakol

Other artists of