Bato-Bato Sa Langit

Noel Palomo

Sabi raw ni Mayor kalat ay iwasan
At ang kanyang bayan ay nadudumihan
Una n’yang proyekto ay ang kalinisan
Nguni’t ang basura samin ay nagkatambakan

Okey lang kay tsip kahit magka-traffic
Dahil dito lamang siya nakakagimik
Kotong dito kotong doon
Lagi na lang ganon wag ng magtatanong
Tong tong tong tong pakitong kitong

Bato-bato sa langit ang tamaan ay wag magagalit
Gumising ka itapon na ugali mong kay pangit

Dito kay Congressman maraming natatakot
Dahil sa sobrang yaman galing sa pangungurakot
Wala na kong makita kahit konting pag-asa
Ngunit ang dambuhala ang dami ng asawa

Ito naman si Father masyado kung manermon
Sa simbahan ay hari laging nakasabon
Iwasan daw ang alak pati ang sigarilyo
Kapag walang misa bunganga ay parang tambutso

Bato-bato sa langit ang tamaan ay wag magagalit
Gumising ka itapon na ugali mong kay pangit

Kaya mga ka-kosa tayo ay manahimik
Gawin ang nararapat wag tayong manakit
Pagmamahal sa kapwa ang laging isa-isip
Ng sa mata ng Maykapal tayo’y kaakit-akit

Bato-bato sa langit ang tamaan ay wag magagalit
Gumising ka itapon na ugali mong kay pangit

Trivia about the song Bato-Bato Sa Langit by Siakol

When was the song “Bato-Bato Sa Langit” released by Siakol?
The song Bato-Bato Sa Langit was released in 1996, on the album “Tayo Na Sa Paraiso”.
Who composed the song “Bato-Bato Sa Langit” by Siakol?
The song “Bato-Bato Sa Langit” by Siakol was composed by Noel Palomo.

Most popular songs of Siakol

Other artists of