Don Juan

Noel Palomo

Naghahari-harian ka dito sa mundo
Wala kang ginawa kundi ang mang-api ng tao
Mga alipores mo sunod-sunuran lang sa'yo
Sa kinang ng pera mo marami kang na loloko ha

Laganap na ang krimen sa iyong kagagawan
Sa kayamanan mo kasalana'y napagtatakpan
Mga tao'y takot kaya nagbubulag-bulagan
Kahit may katungkulan ikaw ang pinakikinggan

Hindi ka dyos tao ka lang
Pareho lamang Don Juan
Hindi ka dyos tao ka lang
Nasasaktan Don Juan

Wala ka bang damdamin sa mga kababayan natin
Ang lupa ng mahirap ay gusto mo pang sakupin
Mga daing nila nililipad lamang ng hangin
Hindi ka na naawa kahit man lang katiting ha

Sinusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno
Diyos ka ng kadiliman diyos ka ng mga demonyo
Nangingiti ka pa sa mga kahayupan mo
Wala kang kinakatakutan kahit na sino

Hindi ka dyos tao ka lang
Pareho lamang Don Juan
Hindi ka dyos tao ka lang
Nasasaktan Don Juan

Hindi ka dyos tao ka lang
Pareho lamang Don Juan
Hindi ka dyos tao ka lang
Nasasaktan Don Juan

Hindi ka dyos tao ka lang
Pareho lamang Don Juan
Hindi ka dyos tao ka lang
Nasasaktan Don Juan

Trivia about the song Don Juan by Siakol

When was the song “Don Juan” released by Siakol?
The song Don Juan was released in 2000, on the album “Sa Pag-ikot Ng Mundo”.
Who composed the song “Don Juan” by Siakol?
The song “Don Juan” by Siakol was composed by Noel Palomo.

Most popular songs of Siakol

Other artists of