Gobyerno

Noel Palomo

Hoy mama manggagawa
Kahit pa magkanda kuba
Ang kita mo'y kapus pa rin sa baba sa bansang ang namumuno'y iba ang gawa

Hoy ale sa isang tabi
Magtinda ka man hanggang gabi
Sa ating bayan na nahuhuli
Ganito na lang palagi ang nasasabi

Paulit-ulit lamang araw-araw ang takbo ng ating buhay
Paulit-ulit wala bang pagbabago ang pamamalakad sa gobyerno

Hoy pare dyan sa rally
Lagi ka na lang kasali
Itanim mo sa iyong kokote kahit sinong maupo sa nakaw ay mawiwile

Hoy mare tulad dati sumisigaw nakikipag-debate
Palitan na ang Presidente eh ano pa rin palagi ang nasasabi

Paulit-ulit lamang araw-araw ang takbo ng ating buhay
Paulit-ulit wala bang pagbabago ang pamamalakad sa gobyerno

Paulit-ulit lamang araw-araw ang takbo ng ating buhay
Paulit-ulit wala bang pagbabago ang pamamalakad sa gobyerno
Paulit-ulit lamang araw-araw ang takbo ng ating buhay
Paulit-ulit wala bang pagbabago ang pamamalakad sa gobyerno

Trivia about the song Gobyerno by Siakol

On which albums was the song “Gobyerno” released by Siakol?
Siakol released the song on the albums “Kabilang Mundo” in 2005 and “The Best of Siakol, Vol. 2” in 2014.
Who composed the song “Gobyerno” by Siakol?
The song “Gobyerno” by Siakol was composed by Noel Palomo.

Most popular songs of Siakol

Other artists of