Meron Pa

Noel Palomo

Malalawak na paligid oh kay gandang masdan
Malalayang ibon nagliliparan
Sariwang hangin yumayakap sa'kin
Malinis na batis ako ay lunurin

Ang akala ko'y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran
Meron pa pala tayong di napapansin
At meron pa pala tayong sisirain

Sa iba't ibang mga lugar na aking napuntahan
Paghanga ay naramdaman sa aking nasaksihan
Bundok at kagubatan noon ay isang larawan
Ngayon lang natagpuan ang tunay n'yang kagandahan

Ang akala ko'y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran
Meron pa pala tayong di nararating
At meron pa pala tayong sisirain

Oh aking Bathala na siyang lumikha
Ng lahat dito sa lupa ako ay namangha
Hindi man makabago sa gawa ng tao
Na kalikasa'y isakripisyo pag-unlad ba ito

Ang akala ko'y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran
Meron pa pala tayong di nararating
At meron pa pala tayong sisirain

Siksikan sa paligid kay pangit pagmasdan
Mga pagod na ibon walang madapuan
Mabahong hangin sumasakal sa akin
Napakaruming tubig tanawin sa amin

Ang akala ko'y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran
Meron pa pala tayong di nararating
At meron pa pala tayong sisirain

Ang akala ko'y sa pangarap na lang may maayos na kapaligiran
Meron pa pala tayong di nararating
At meron pa pala tayong sisirain

Sisirain
Sisirain
Sisirain
Sisirain

Trivia about the song Meron Pa by Siakol

When was the song “Meron Pa” released by Siakol?
The song Meron Pa was released in 1998, on the album “Rekta”.
Who composed the song “Meron Pa” by Siakol?
The song “Meron Pa” by Siakol was composed by Noel Palomo.

Most popular songs of Siakol

Other artists of