Pantasya
Sasakay ako sa bangkang gawa sa buwan
Aking lalanguyin ang dagat na mga bituin
Magiging pasyalan naman ang kalawakan
At kung nahihimbing patatangay lang sa hangin
Natatawa ako pagkat ako ay masaya
Bagong bago kasi ang patawa sa eksena
Pakisampal naman ako sa magkabilaan
Para malaman ko na di ako nahihibang
Nais ko lang tumakas sa katotohanan
Sa mundong puno ng katanungan palaisipan
At dadalhin kita roon kahit ika'y wala
Di uso ang luha sa daigdig kong nilikha
Pwede ka bang tumulong at ako'y nawawala
Ba't di ko na nasasakyan ang buhay sa lupa
Lahat na lang bagay nag babago ang kulay
Putol na ang tulay walang silbing paglalakbay
Anong hiwagat mo't parang kay tagal tagal mo na
Minsan lang nakita ngunit mahal agad kita
Akalain mong sa pantasya ko'y magkasama tayo
Sa ayaw mo't gusto doo'y minamahal mo ko
Nais ko lang tumakas sa katotohanan
Sa mundong puno ng katanungan palaisipan
At dadalhin kita roon kahit ikay wala
Di uso ang luha sa daigdig kong nilikha
Nais ko lang tumakas sa katotohanan
Sa mundong puno ng katanungan palaisipan
At dadalhin kita roon kahit ikay wala
Di uso ang luha sa daigdig kong nilikha
Sa daigdig kong nilikha
Sa daigdig kong nilikha
Sa daigdig kong nilikha
Sasakay ako sa bangkang gawa sa buwan
Aking lalanguyin ang dagat na mga bituin
Magiging paslayan naman ang kalawakan
At kung nahihimbing patatangay lang sa hangin