Sa Pagsapit Ng Kapaskuhan

Noel Palomo

Halika na aking mahal
At salubungin natin ang araw na banal
Ang kapanganakan ng sanggol sa sabsaban
Na dinadakila ng sanlibutan

Anghel na nag-aawitan
Tatlong hari na naglakbay para siya’y alayan
Ang tutubos sa ating mga kasalanan
Upang makamtan ang kasaganahan

Pakinggan ang kalembang ng simbahan
Pagmasdan ang belen sa di kalayuan
Makihalo sa ingay sigawan at putukan
Sa pagsapit ng kapaskuhan

Simoy ng hangin ay langhapin
At ating damhin ang ganda ng buong tanawin
Na minsan lang kung mangyari sa isang taon
Wag palampasin ang pagkakataon

Pakinggan ang kalembang ng simbahan
Pagmasdan ang belen sa di kalayuan
Makihalo sa ingay sigawan at putukan
Sa pagsapit ng kapaskuhan

Halika na aking mahal
At silipin natin ang tala at magdasal
Na matapos na ang lahat ng kaguluhan
At maghari na ang tunay na kapayapaan

Trivia about the song Sa Pagsapit Ng Kapaskuhan by Siakol

Who composed the song “Sa Pagsapit Ng Kapaskuhan” by Siakol?
The song “Sa Pagsapit Ng Kapaskuhan” by Siakol was composed by Noel Palomo.

Most popular songs of Siakol

Other artists of