Anak

Noong isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo

At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo

Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo'y maging malaya
Di man sila payag walang magagawa

Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo

Di mo man lang inisip na ang kanilang ginagawa'y
Para sa iyo
Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw at ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo

At ang una mong nilapitan ang iyong inang lumuluha
At ang tanong anak ba't ka nagkaganyan
At ang iyong mga mata'y biglang lumuha ng di mo napapansin

Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong ika'y nagkamali
Hmm

Most popular songs of Noel Cabangon

Other artists of Asiatic music