Ang Kaluluwa Ko'y Nauuhaw

Katulad ng lupang tigang
Walang tubig ako'y nauuhaw
O Diyos hangad kitang tunay
Sa iyo ako'y nauuhaw

Kaya ika'y minamasdan
Doon sa iyong dalanginan
Nang makita kong lubusan
Lakas mo't kaluwalhatian

Ang kaluluwa ko'y nauuhaw
Sa iyo o panginoon ko
Ang kaluluwa ko'y nauuhaw
Sa iyo o panginoon ko

Ang kagandahang loob mo
Higit sa buhay sa mundo
Kaya ako'y magpupuri
Ngalan mo'y aking sasambitin

Ang kaluluwa ko'y nauuhaw
Sa iyo o panginoon ko
Ang kaluluwa ko'y nauuhaw
Sa iyo o panginoon ko

Trivia about the song Ang Kaluluwa Ko'y Nauuhaw by Noel Cabangon

When was the song “Ang Kaluluwa Ko'y Nauuhaw” released by Noel Cabangon?
The song Ang Kaluluwa Ko'y Nauuhaw was released in 2015, on the album “Huwag Mangamba (Mga Awit Ng Pagtatagpo)”.

Most popular songs of Noel Cabangon

Other artists of Asiatic music