Awit Ng Naghahanap

Nasan ka nasan ka na
Kami ay nag-aalala
Ilang araw na ang nagdaan
Ibig ka naming makita
Di matahimik di mapalagay lagi na lang nababalisa
Gabi at araw di na alintana naghihintay umaasa
Ika'y aming nadarama tibok ng 'yong puso't hininga
Larawan mo'y sumisilip sa aming ala-ala
Saan ka man naroroon wag ng mag atubili
Ipabatid lang at ika'y aming susunduin

Nasa'n ka nasan ka na ikaw ay kumain na
Sarili ay pakaiingatan pagka't marahas ang panahon
Nasan ka nasan ka na hanap ka ng iyong ina
Ikaw ba ay bihag nila dahil sa hangad mong paglaya
Ika'y aming nadarama tibok ng 'yong puso at hininga
Larawan mo'y sumisilip sa aming ala-ala
Saan ka man naroroon wag ng mag atubili
Ipabatid lang at ika'y aming susunduin

Nasa'n ka nasan ka na kami ay nag aalala
Ilang araw na ang nagdaan ibig ka naming makita
Nasan ka nasan ka na nasan ka nasan ka na
Nasan ka nasan ka na

Trivia about the song Awit Ng Naghahanap by Noel Cabangon

When was the song “Awit Ng Naghahanap” released by Noel Cabangon?
The song Awit Ng Naghahanap was released in 2011, on the album “Panaginip Christmas (Special Edition)”.

Most popular songs of Noel Cabangon

Other artists of Asiatic music