Dalampasigan Ng Puso

Bilog na naman ang buwan
Sa dalampasigan ating namamasdan
Kasabay ng nagliliyab na apoy
Ang damdamin nating sumasagwan

Umaawit ang hangin
Sabay sa pagkumpas ng mga alon
Habang ang sinag ng buwan
Hatid ay liwanag sa pagod na isipan

Dito sa dalampasigan ng puso
Malayang umaalon ang damdamin
Dito sa dalampasigan ng puso
Walang ibang hahadlang

At kung sakaling
Pag-ibig mo ay may alinlangan
Huwag mag-atubiling sabihin
At ihayag ang nais ng damdamin

At kung sakaling
Ang buwan ay 'di na muling 'di na muling mapagmasdan
Puso nati'y ihimlay
Sa dalampasiga'y laging maghihintay

Dito sa dalampasigan ng puso
Malayang umaalon ang damdamin
Dito sa dalampasigan ng puso
Walang ibang hahadlang

Dito sa dalampasigan ng puso
Malayang umaalon ang damdamin
Dito sa dalampasigan ng puso
Walang ibang hahadlang

Dito sa dalampasigan ng puso
Malayang umaalon ang damdamin

Trivia about the song Dalampasigan Ng Puso by Noel Cabangon

When was the song “Dalampasigan Ng Puso” released by Noel Cabangon?
The song Dalampasigan Ng Puso was released in 2000, on the album “Pasakalye”.

Most popular songs of Noel Cabangon

Other artists of Asiatic music