Di Na Nakapagpaalam
Di na nakapagpaalam
Kahit saglit man lamang
Nakapiling kang muli
At nakausap sandali
Naalayan ng tula
O awit na maikli
Di na nakapagpaalam
Kahit saglit man lamang
Nasilayan kang muli
Nadapuan ng ngiti
Natapunan ng halik
Giliw ko kahit munti
Di na nakapagpaalam
Kahit saglit man lamang
Paliit nang paliit
Palayo nang palayo
Ligayang kahapon lang
Ay yakap-yakap ko
Di na nakapagpaalam
Kahit saglit man lamang
Pawala nang pawala
Palabo nang palabo
Ang pangakong pagsinta'y
Matapat na pagsuyo
Di na nakapagpaalam
Kahit saglit man lamang