Maligayang Pasko, Mahal

Ilang taon na rin ang lumipas
Alaala'y bumabalik nung ika'y lumisan
Pasko noon at kay lamig ng hangin
At kay daming mga bituin sa langit

At sa ilalim ng mga tala tayo'y nagsumpaan
Pag-ibig na tapat at walang hanggan
At sa iyong pagbabalik ay mag-iisang-dibdib
Kaya't lagi ko itong dalangin sa langit

Kay tagal kong nakatitig sa mga tala
Nag-aakalang doon ay makita ka
Maaninag man lang sana ang iyong mukha
Nang maibsan ang aking pangungulila

'Di ka man kasama ngayong araw ng pasko
Marinig lang ang iyong tinig liligaya ang puso

Maligayang pasko sa 'yo aking mahal
Maligayang pasko sa 'yo aking mahal
Maligayang pasko sa 'yo aking mahal
Maligayang pasko sa 'yo aking mahal

Nagdaan ang ilang taon ika'y nagpakita
Laking galak at tuwa ang aking nadama
Ngayong pasko ay 'di na mag-iisa
Mula ngayon ikaw ay lagi nang kasama

Ngunit ako'y biglang nagising sa lamig ng hangin
Tila panaginip ko yata ay napalalim
Sa pagkakahimbing lang pala ikaw ay dumating

Kay tagal kong nakatitig sa mga tala
Nag-aakalang doon ay makita ka
Maaninag man lang sana ang iyong mukha
Nang maibsan ang aking pangungulila

'Di ka man kasama ngayong araw ng pasko
Marinig lang ang iyong tinig liligaya ang puso

Maligayang pasko sa 'yo aking mahal
Maligayang pasko sa 'yo aking mahal
Maligayang pasko sa 'yo aking mahal
Maligayang pasko sa 'yo aking mahal

Trivia about the song Maligayang Pasko, Mahal by Noel Cabangon

When was the song “Maligayang Pasko, Mahal” released by Noel Cabangon?
The song Maligayang Pasko, Mahal was released in 2011, on the album “Panaginip Christmas (Special Edition)”.

Most popular songs of Noel Cabangon

Other artists of Asiatic music